I will just share the letter that i have maid for the dean of college of business administration in UE. It is not perfect but it is just a sample for the students who are taking up subjects that requires thesis.
Pamantasan ng Silangan
Kolehiyo ng mga
FINANCIAL MANAGEMENT
2219 Claro M. Recto, Manila
Bb. Elizalde
Dean, College of Business Administration
University of the East, Manila
Mahal na Dekana :
Kami po ang mga maaaral na nasa seksiyon B5C ng asignaturang Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina sa ilalim ng pagtuturo ni Propesor Rosalie G. Yap ay humihingi ng pahintulot na makapamahagi ng talatanungan (survey questionnaire) sa mga mag-aaral ng College of Business Administration.
Ang mga impormasyong matitipon ay aming gagamitin para sa isang pananaliksik na may pamagat na: “ Epekto ng E-Learning sa pag-aaral ng mga Mag-aaral ng Business Administration ng Pamantasan ng Silangan sa Maynila Taong Panuruan 2010-2011”.
Kalakip po ng liham na ito ay ang aming sample questionnaire na ipapamahagi sa aming mga respondent.
Lubos po ang aming pag-asa na mapagbibigyan ang aming kahilingan.
Maraming salamat po.
Lubos na Gumagalang,
IAH MARIE C. EVANGELISTA
Pinagtibay ni:
ROSALIE G. YAP
Thank you for your kind information about how to right a letter to the dean, Thank you i was helped me a lot, i love this blog very much Questionnaire
ReplyDelete