Hi friends! I am back! I have so many things to tell and I do
not know where to start. I left my blog for such a very long time. Many things happened
and I am very busy with my work in Metrobank and actually I do not want to tackle
about what happened to my mother but I think I have to because there is so much
in my heart and mind right now. I really don’t know where to start the story so
I’ll just make it short. Here goes….
My mother died last August 23, 2015. Eto na yung pinaka
masakit sa lahat ng challenges na napagdaanan ko. Sobrang sakit na gusto ko
nalang sumunod sa kanya. Two years akong kapos na kapos dahil sobrang gastos ng
pagpapagamot niya and at the same time na ginagamot sya gusto kong gumastos sa
lhat ng gusto nya dahil alam kong bilang na lang yung oras niya dito sa mundong
to. May liver/colon cancer sya. Hindi namin alam kung saan niya yun nakuha
dahil wala naman sa pamilya namin ang may cancer at sobrang malinis naman siya
sa lahat ng kinakain niya. Well, I have realized na ganun talaga ang buhay. We do
not know what will happen dahil lahat kami nagulat sa sakit niya. Nag start
yung sakit niya last November 2013, bigla na lang siyang nanilaw ng sobra hanggang
sa parang nangingitim na siya. Ang daming ginawang laboratory tests na sobrang
mahal lahat. Imagine laboratory pa lang yung gagawin ha hihingi siya ng 20k for
MRI lng yun. Grabe diba?! Wala pang procedure na gagawin dun! Dahil mahal na
mahal ko ang mama ko binigay ko lahat ng ipon ko at lahat ng sinasahod ko
binigay ko para mapagamot siya. Kulang yun! Sobrang kulang! Hindi sapat ang
sahod ko para mapagamot siya. Nangutang ako! Lahat ginawa ko para makapag
provide para sa kanya. Nangutang lang ako ng nangutang hanggang sa wala na rin
ako mautangan at hindi na sapat ang kita ko kapag may mautangan man ako. Nagsulat
ako sa UNION para humingi ng tulong at nakakuha naman ako kahit papaano pero
hindi pa rin sapat. Lifetime na gamutan ang pinag uusapan. Sobrang hirap. Ang hirap
kumita ng pera pero mas mahirap makita ko ang mama kong nasasaktan. Umiiyak sya
sa sakit araw araw. Wala kami magawa dahil yun daw yung cancer pain. Sobrang hirap
siya, umiiyak na lang ako pag umiiyak siya sa sakit. Hindi namin alam kung
anong hahaplusin namin sa kanya. Huhuhu..pede ba to be continue? naiiyak na
kasi ako…. To be continue na lang ha… huhuhu
This is my mother, Mama Rose. It was taken last June 2015.