Search This Blog

Thursday, November 26, 2015

Mama Rose

Hi friends! I am back! I have so many things to tell and I do not know where to start. I left my blog for such a very long time. Many things happened and I am very busy with my work in Metrobank and actually I do not want to tackle about what happened to my mother but I think I have to because there is so much in my heart and mind right now. I really don’t know where to start the story so I’ll just make it short. Here goes….         
      
My mother died last August 23, 2015. Eto na yung pinaka masakit sa lahat ng challenges na napagdaanan ko. Sobrang sakit na gusto ko nalang sumunod sa kanya. Two years akong kapos na kapos dahil sobrang gastos ng pagpapagamot niya and at the same time na ginagamot sya gusto kong gumastos sa lhat ng gusto nya dahil alam kong bilang na lang yung oras niya dito sa mundong to. May liver/colon cancer sya. Hindi namin alam kung saan niya yun nakuha dahil wala naman sa pamilya namin ang may cancer at sobrang malinis naman siya sa lahat ng kinakain niya. Well, I have realized na ganun talaga ang buhay. We do not know what will happen dahil lahat kami nagulat sa sakit niya. Nag start yung sakit niya last November 2013, bigla na lang siyang nanilaw ng sobra hanggang sa parang nangingitim na siya. Ang daming ginawang laboratory tests na sobrang mahal lahat. Imagine laboratory pa lang yung gagawin ha hihingi siya ng 20k for MRI lng yun. Grabe diba?! Wala pang procedure na gagawin dun! Dahil mahal na mahal ko ang mama ko binigay ko lahat ng ipon ko at lahat ng sinasahod ko binigay ko para mapagamot siya. Kulang yun! Sobrang kulang! Hindi sapat ang sahod ko para mapagamot siya. Nangutang ako! Lahat ginawa ko para makapag provide para sa kanya. Nangutang lang ako ng nangutang hanggang sa wala na rin ako mautangan at hindi na sapat ang kita ko kapag may mautangan man ako. Nagsulat ako sa UNION para humingi ng tulong at nakakuha naman ako kahit papaano pero hindi pa rin sapat. Lifetime na gamutan ang pinag uusapan. Sobrang hirap. Ang hirap kumita ng pera pero mas mahirap makita ko ang mama kong nasasaktan. Umiiyak sya sa sakit araw araw. Wala kami magawa dahil yun daw yung cancer pain. Sobrang hirap siya, umiiyak na lang ako pag umiiyak siya sa sakit. Hindi namin alam kung anong hahaplusin namin sa kanya. Huhuhu..pede ba to be continue? naiiyak na kasi ako…. To be continue na lang ha… huhuhu



This is my mother, Mama Rose. It was taken last June 2015.